This site dedicated to the enthusiast of the asian novela -- Kahit Isang Saglit (Even For Just One Moment) starring one of the Philippine's Finest Actor - Jericho Rosales & Malaysian Superstar - Carmen Soo. Directed by Gilbert Guevarra Perez & Jerry Lopez Sineneng.

 


Carmen Soo on falling for Jericho Rosales: "I wish you can plan things like that."

Category: By Administrator
Isa nang certified Kapamilya ang Malaysian actress na si Carmen Soo. Pumirma na siya ng kontrata sa ABS-CBN Star Magic, ang talent arm ng Kapamilya network na pinamamahalaan ni Johnny Manahan.

Si Carmen ang naging leading lady ni Jericho Rosales sa teleserye na Kahit Isang Saglit. Ang nasabing teleserye ay ang unang co-production ng ABS-CBN at Double Vision ng Malaysia.

Nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Carmen sa solo presscon na ibinigay sa kanya ng ABS-CBN kahapon, April 2, ay inamin niya na hindi siya masyadong pamilyar sa Pilipinas kaya hindi niya alam kung ano ang kanyang papasukan nang ilatag sa kanya ang project na Kahit Isang Saglit. Ang teleserye ay idinirek ng namayapang si Gilbert "Manong" Perez at ayon kay Carmen, "Manong was kind to explain how the local industry works, TFC, the fans, the working hours, etc."

Although na-link sa isa't isa sina Carmen at Jericho ay hanggang link lang daw yun. Ayon kay Carmen, never naman daw silang nagkaroon ng relasyon ni Echo. Naging mabuti lang daw silang magkaibigan. At natutuwa naman daw siya dahil nang bumalik siya pansamantala sa Malaysia ay constant pa rin ang communication nila ng aktor."

Pagkatapos magsama sa nasabing serye ay sa pelikula naman mula sa Star Cinema magsasama sina Carmen at Echo. Ka-triangle nila rito si Kristine Hermosa.

At dahil sa pelikulang kanyang gagawin at iba pang proyekto sa ABS-CBN kaya kinakailangang mag-aral ng Tagalog si Carmen.

"I have a teacher. She teaches me four to five times a week. She's Ms. Daisy. She used to coach Gerald Anderson. She was recommended to me," lahad ng Malaysian actress.

Nahirapan daw si Carmen sa pag-aaral ng Tagalog.

"It is difficult because it's a brand new language. And I'm in Elementary 3 now."

MATTERS OF THE HEART. Sa ngayon ay loveless pa rin daw si Carmen. Huli siyang nagkaroon ng boyfriend two years ago.

"He's a Canadian-Chinese. He lives in Singapore now. He's a show producer. He produces, but not in acting."

Hindi kaya ang sobrang pagiging busy ni Carmen sa kanyang trabaho sa Malaysia ang naging dahilan kaya naghiwalay sila ng kanyang boyfriend, or hindi rin niya siguro ito ganun kamahal?

"I'm very much in love with him, actually. I didn't give him up him for my career. It's just it didn't work out," paliwanag niya.

Posible kaya na ang susunod na magiging boyfriend ni Carmen ay si Jericho since muli silang magkakatrabaho nito?

"I dont know. Let's see. I wish you can plan things like that," sagot niya.

Ano ba ang qualities na hinahanap ni Carmen sa isang lalaki?

"I think I can write three pages of that!" tawa niya. "The usual things, you know, good heart, understands me and make time to... Because it's very difficult if I'm busy of course, he's probably busy as well. Try to make things work and working at it. Appreciate me. Love and care for me. And let me do the same thing, too. Sharing a life together. So it's not easy to find somebody."

Author: Rommel Placente
Source: http://www.pep.ph/news/21381/Carmen-Soo-on-falling-for-Jericho-Rosales:-%22I-wish-you-can-plan-things-like-that.%22
 

0 comments so far.

Something to say?

You might also like to try:

primetime bida Kahit Isang Saglit  •  Iisa Pa Lamang  •  Lobo  •  Pinoy Station