Jericho Rosales: 'I had my share of hard times talaga but no regrets.'
Marami na ang nakapansin sa unti-unting pagbabago sa ganda ng katawan ni Jericho Rosales. 'I'm in good shape right now because I feel good inside and marami akong ginagawang activities iba't ibang sports, feeling healthy.' Ipinagmamalaki rin ni Echo ang ganda ng kanyang abs sa ngayon.Sa usapin sa career, alam ng lahat na minsan ay nawala sa sirkulasyon ng showbiz si Jericho sapagkat nag-detour ang kanyang acting career patungo sa pagkanta. Isang malaking desisyon na ayon sa kanya ay hindi niya pinagsisihan dahil natutukan niya daw ang kanyang passion sa pagkanta. Naging masalimuot din ang kanyang lovelife noon nang naging you and me against the worl ang drama nila ni Heart Evangelista. Pero nauwi din sa hiwalayan ang akala ng karamihan ay magkakaroon ng fairy tale and happy ending ang kanilang ipinaglalabang pag-iibigan.
Naging masalimuot man ang pinagdaanan ng Mr. Pogi titleholder, naging successful naman ang kanyang pagbalik sa pag-arte. At ang pelikulang Baler na pinagbibidahan niya katuwang si Anne Curtis ang isa sa masasabi nating naging daan sa matagumpay na 'second coming' ng kanyang career. 'Parang medyo sugal kasi it's an epic film, yes pero Baler is not really known and even our producers sinasabi nila we just have to make a good movie. This kind of movies sabi nila are not the usual ones na talagang bumebenta sa takilya but we still made it kasi it's a good movie but nung ipinalabas na siya sa festival, hit na hit talaga siya dahil siya yung pinaka- maraming awards na nakuha for the film fest, ako lang yung hindi nakakuha pero ok lang at best picture pa. I'm really proud of that film and for me binibigay ko naman talaga yung best ko para sa isang project lalung lalo na pag gusto ko yung project so I believed that movie really help me as well pagdating sa pelikula to be back again sa movies and TV, sa Kahit Isang Saglit [with Malaysian actress Carmen Soo] and some endorsements now are coming in. Perfect timing. God is good. For a while I stop, I decided to stop to train my music and the right song and at the same time rest from the usual things that I did nag-music muna ako. Nagsulat ako, kumanta rin, nag record ako, kumanta rin sa mga bars, nag shows, nag concert and very minimal na TV and movie work. I did one film na hindi pa pinapalabas nung time na yun. Nagpahinga ako may ginawa akong isang movie. It's with an American crew and American actors din. I auditioned for that role up to now hindi pa siya naipapalabas kasi they're still working on it but hopefully this year malapit na.'
Hindi man niya nasungkit ang Best Actor trophy sa nakaraang Metro Manila Film Festival, happy na rin si Echo sa mga naging papuri sa pelikulang Baler. At ngayon, may international screening na daw ito. 'May narinig nga ako na mga balita na ganun, sa May 14 opening film siya ng San Joaquin International Film Festival sa San Francisco, gustong gusto ko ngang pumunta kaso hindi puwede. I'm really proud of that film plus I'm getting nominations again for the movie so very happy.' Sa tingin ba niya naapektuhan ng kanyang lovelife noon ang magandang takbo ng kanyang career? 'Not really, nagkataon lang sabay lang yun. Sumabay lang sa panahon. I've always been in a relationship naman. I've been always in love and ganun pa rin may ups and downs.'Pinagsisihan ba niya ang isang taon halos na hindi siya naging aktibo sa showbiz? 'Hindi, in-expect ko naman talaga yung time na mangyayari yun kasi ako mismo nag-decide na stop. There are things na hindi ko ini-expect na mangyayari and mas maraming bagay na di ko rin ini-expect na yung magiging epekto nun ganun kalaki. Siyempre, I had my share of hard times talaga but no regrets. I've learned a lot of things kasi dahil dun sa vacation ko na yun, I've established my character.'
Author: Arniel Serato
Source: http://www.abs-cbn.com/Feature/Article/3308/Jericho-Rosales-I-had-my-share-of-hard-times-talaga-but-no-regrets-.aspx
0 Comment












































